Ipatutupad pa rin ng Senate Sergeant at Arms ang warrant of arrest na inihain ng Senado laban kay Shiela Leal Guo.
Ito ang kinumpirma ni Senate Sgt-At-Arms Retired General Roberto Ancan na ipinadala ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Nahuli ng mga otoridad sa Indonesia si Shiela Guo, ang kapatid ni Alice Guo at si Cassandra Li Ong, isa sa mga incorporators ng Lucky South 99 na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.
Ngunit bago ito maipatupad ay inabisuhan ang OSAA batay sa patnubay ng Department of Justice (DOJ) na isasailalim muna sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI sina Shiela at Cassanda para makapaghain na ng kaso laban kay Cassandra at makapagsagawa naman ng inquest proceedings ang Bureau of Immigration laban kay Shiela sa immigration charges.
Samantala, inatasan naman ni Escudero si Ancan na sumunod at ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa DOJ, NBI, BI, at PNP para sa maayos at mapayapang pamamaraan laban sa dalawang personalidad.
Gayunpaman, pinasalamantan naman ni Senadora Risa Hontiveros ang Indonesian authorities dahil sa mabilis na aksyon nito upang maaresto ang si Shiela at Cassandra
Inaasahan ni Hontiveros ang pagdalo nina Shiela at Cassandra ong sa ikakasang pagdinig ng tatlong komite sa Senado sa Martes, Agosto 27.
Giit ng senadora, mananagot ang dalawa sakaling hindi siputin ang ikakasang imbestigasyon.
Nakasentro naman ang pagdinig sa kung paano nakaalis ng bansa si Alice Guo.