-- Advertisements --

Nakahanda ang Office of Sergeant-at-Arms ng Senado sakaling mangailangan ng tulong si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung mayroon siyang pangamba sa kanyang seguridad.

Kahapon, kinumpirma ni dela Rosa na binawi ng PNP ang kanyang dalawang security detail sa Davao City ilang araw matapos ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, bahagi ng mandato at trabaho ng Office of Sergeant-at- Arms na magbigat ng seguridad. 

Dagdag ni Escudero, nasa humigit-kumulang 80 personnel ang mayroon ang Office of Sergeant-at- Arms at maaari rin daw silang mag-deputize ayon sa pangangailangan ng sinumang senador.