-- Advertisements --
Abanse na sa quarterfinals ng Qatar Open si Naomi Osaka.
Tinalo ng four-time Grand Slam si Petra Martic ng Croatia sa score na 6-3, 7-6 (11/9).
Sa unang set ay dominado ng Japanese tennis star subalit pagpasok ng ikalawang set ay bahagyang nahirapan ito.
Ito ang unang WTA tournament ni Osaka matapos ang halos dalawang taon na pamamahinga mula ng manganak noong Hulyo 2023 at lumiban sa paglalaro dahil sa kaniyang mental health.
Susunod na makakaharap nito si Lesia Tsurenko ng Ukraine.