-- Advertisements --
Osaka and Gauff
Osaka and Gauff/ US OPEN FB post

Muling maghaharap sina Noami Osaka at 15-anyos na si Coco Gauff.

Ito ay matapos talunin ng Japanese tennis star si Saisai Zheng ng China sa Australia Open sa score na 6-2 at 6-4 sa second round.

Tinalo naman ni Gauff si Sorana Cirstea ng Romania 4-6, 6-3 at 7-5.

Unang nagharap kasi sina Osaka at Gauff noong US Open 2019 kung saan tinalo ni Osaka ang 15-anyos na tennis star.