-- Advertisements --
Naomi Osaka
Naomi Osaka/ IG post

Nabigong makausad sa quarterfinals si defending US Open champion Naomi Osaka.

Ito ay matapos talunin siya ni Swiss tennis star Belinda Bencic sa fourth round.

Nakuha ng top 13 player ang score na 7-5 at 6-4 para tuluyang pauwiin ang pambato ng Japan.

Belinda Bencic
Belinda Bencic/ IG post

Ito na na pangalawang beses ni Bencic na makapasok sa quarterfinals ng nasabing torneo.

Susunod na makakaharap nito si Donna Vekic.