-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Naomi Osaka sa Madrid Open matapos talunin ni Karolina Muchova sa ikalawang round.

Muchova and Osaka
Muchova and Osaka/ IG post

Nakuha ng Czech player ang score na 6-4, 3-6, 6-1 para ilampaso ang Japanese tennis star.

Sinabi ni Muchova na pinaghandaan nito ang torneo at kahit sino ay kaya niyang harapin.

Unang tinalo ni Muchova si world number Ashleigh Barty para makapasok sa Australian Open noong nakaraang mga buwan.

Susunod naman na makakaharap nito si Maria Sakkari ng Greece.