Nagkampeon ng US Open si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Ito ay matapos talunin si Victoria Azarenka 1-6, 6-3, 6-3.
Ang nasabing panalo na ginanap s New York ay siyang pangatlong Grand Slam title nito.
Sa unang set ay nagtala ng 13 unforced errors si Osaka habang mayroong tatlong unforced errors si Azarenka na nag-served ng 94%.
Naging usap-usapan ang 22-anyos na si Osaka ngayong taon dahil sa kada panalo ay nakasuot ito ng face mask na may nakasulat na pangalan ng mga nabiktima ng racial injustice sa US.
Itinuturing ngayon si Osaka bilang highest paid-athletes ng Forbes na mayroong yaman na aabot sa $37 million.
Siya rin ang unang babaeng tennis players na nakakuha ng tatlong major sa edad 23 na hinawakan ni Maria Sharapova na hinawakan niya ito ng sampung taon.