-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Ito ay matapos malusutan niya si Anna Karolina Schmiedlova sa score na 0-6, 7-6(7/4), 6-1.
Inamin ni Osaka na nahirapan siya sa laban kung saan muntik ng mawala ang pangarap nitong makausad sa susunod na round.
Tiwala itong makukuha niya ang kampeonato sa French Open bilang pandagdag sa mga nakuha nitong titulo gaya ng US at Australian Open.
Susunod na makakaharap nito si dating world number one at two-time major winner Victoria Azarenka.