-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng Australian Open si Naomi Osaka matapos talunin si Serena Williams.
Hindi nagpapressure ang three-time slam champion na si Osaka ng makuha niya ang score na 6-3 , 6-4.
Nasa 20-match unbeaten streak ang Japanese tennis star at hindi pa natalo sa Slam final.
HIndi naman maipaliwanag ng US tennis star na si Williams ang pangyayari na tila dumami ang kaniyang unforced errors.
Susunod naman na makakaharap ni Osaka si US tennis player Jennifer Brady.
Ang laban ng dalawa ay tila rematch sa 2020 US Open semi-final kung saan nagwagi si Osaka sa ikatlong set.