-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals si two-time Grand Slam winner Naomi Osaka sa US Open.

Ito ay matapos talunin si Anett Kontaveit sa score na 6-3, 6-4 sa laro na ginana sa Arthur Ashe Stadium.

Dagdag pa ng 2018 US Open Champion na ang pagpapanatili ng kaniyang emotions ay siyang naging susi sa laro na nagtapos ng isang oras at 12 minuto.

Susunod na makakaharap nito si Shelby Rogers ng US .