-- Advertisements --

Tuluyang umatras na sa paglalaro sa French Open si Japanese star Naomi Osaka.

Sinabi nito na dumanas siya ng depression mula ng makuha ang unang Grand Slam title noong 2018 kaya nais niyang protektahan ang kaniyang mental health.

Ang nasabing desisyon ay ilang araw matapos na nagdesisyon itong hindi magpapaunlak ng panayam sa bawat laro.

Dahil sa naging pasya nito na hindi magpapaunlak ng panayam ay pinatawan siya ng $15,000 ng organizers ng French Open.

Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Osaka matapos na talunin nito sa first round si Patricia Maria Tig ng Romania sa unang round.