-- Advertisements --

Nagwagi sa unang round ng 2022 Melbourne Summer Set si Japanese tennis star Naomi Osaka.

Tinalo nito si Alize Cornet ng France sa score na 6-4, 3-6 at 6-3.

Nagkaroon ang dating world number 1 ng 57 unforced errors kung saan walo dito ay double faults.

Ito ang unang laro ni Osaka mula noong Setyembre ng ianunsiyo niya ang pagkakaroon ng indefinite break sa tennis.

Inihayag nito ang kaniyang kahandaan at kasabikan sa paglalaro.

Susunod na makakaharap niya si Maryna Zanevska ng Belgium para sa round of 16.