-- Advertisements --
Tiniyak ng organizers ng Wimbledon na nakatakdang maglaro pa rin si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Ayon sa organizers na walang indikasyon na liliban sa paglalaro ang 23-anyos na tennis star ng Japan.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-atras ni Osaka sa French Open dahil umano sa depression.
Sinabi naman ni All England Club chief executive Sally Bolton na nakipag-ugnayan na sila kay Osaka at tiniyak nito na maglalaro pa rin sa torneo na magsisimula sa huling linggo ng Hunyo.
Hinikayat naman ni tournament director Jamie Baker na bukas ang linya ng nila para talakayin ang anumang isyu.