-- Advertisements --

Gumawa na naman ng kasaysayan ang ika-93 taong taunang Oscar Academy Awards.

Ang mga nominado ng Oscar ngayong taon ay nagmarka sa kauna-unahang pagkakataon na “all-Black producing team” ay hinirang para sa best picture.

Sa unang pagkakataon naman na ang dalawang mga artista na may lahing Asyano ay hinirang para sa pinakamahusay na artista at ang unang taon na ang dalawang kababaihan ay hinirang para sa pinakamahusay na direktor.

Chloe Zhao Oscars

Sumasalamin naman sa pagkakaiba-iba at pagiging “inclusivity” ang mga winner ng Oscar.

Si Chloe Zhao ang itinanghal na first Asian woman bilang best directing award dahil sa pelikulang “Nomanland”.

Sa kaniyang acceptance speech, inaalay niya ang kaniyang panalo para sa sinumang may pananampalataya at lakas ng loob na hawakan ang kabutihan sa kanilang sarili.

Gumawa naman ng kasaysayan sina Mia Neal at Jamika Wilson bilang pair at pinakaunang Black women na nakatanggap ng nominasyon bilang best makeup at hairstyling at nanalo pa.

Ang Soul naman ang nakakuha ng best animated feature award kung saan isa rin itong Pixar’s first film na nag-feature ng Black character in the lead.

Nakuha rin nito ang Best original score.

Ang direktor ng Soul ay isang Filipino na siyang gumawa rin ng “Incredibles 2;” “Brave,” at “Cars 3.”

Narito ang iba pang mga nanalo sa Academy Awards;

Best actor
Anthony Hopkins

Best Actress
Frances McDormand

Best supporting actor
Daniel Kaluuya, “Judas and the Black Messiah”

Best cinematography at Best production design
“Mank”

Actress in a supporting role
Yuh-Jung Youn, “Minari”

Best visual effects
“Tenet”

Best documentary feature
“My Octopus Teacher”

Best documentary short subject
“Colette”

Best animated short film
“If Anything Happens I Love You”

Best film editing at Best Sound
“Sound of Metal”

Best live action short film
“Two Distant Strangers”

Best costume design at Best hair and make up
“Ma Rainey’s Black Bottom”

Best international feature
“Another Round”

Best original song
“Fight for You,” “Judas and the Black Messiah”

Best picture
“Nomadland”

(with reports from Bombo Jane Buna)