Desidido si Mexican boxer Oscar Dela Hoya na makabalik sa boxing ring sa 2022.
Sinabi nito na matapos na siya ay dapuan ng COVID-19 ay mas lalong lumakas ang kaniyang motibasyon na lumaban muli.
Agad na tinarget nito sa kaniyang balak na pagbabalik ay si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr.
Posible na sa Mayo 5, 2022 ang pagbabalik nito sa boxing ring o ang kasabay na sikat na kapiyestahan sa Mexico na Cinco de Mayo.
Magugunitang noong Setyembre ay nakatakdang labanan sana nito ang 44-anyos na Mixed Martial Arts legend Vitor Belfort subalit dinapuan siya ng COVID-19 kaya hindi na ito natuloy.
Pumalit sa kaniya ay si Evander Holyfield na pinatumba ni Belfort sa unang round pa lamang.
Nauna nang inalok ni Dela Hoya si Mayweather ng $100 milyon para siya labanan at sinabing yan pa rin ang alok nito sa US boxing champion.
Magugunitang unang nagharap ang dalawa noong 2017 kung saan nagwagi si Mayweather sa pamamagitan ng split decision.