Kinumpirma na rin ng boxing legend na si Oscar de la Hoya, founder at chairman ng Golden Boy Promotions ang pagkalas sa kanila ni pound-for-pound at box office king Saul “Canelo” Alvarez.”
Ginawa ni De la Hoya ang pahayag matapos na ianunsiyo ng manager ni Canelo (53-1-2, 36KOs) na si Eddy Reynoso na isa ng free agent ang kanyang alaga.
Kaugnay nito, ipinaabot na lamang ni Oscar ang good luck wish sa Mexican superstar.
Magugunitang noong Oktubre 2018 ay pumirma si Alvarez ng $365 million na kontrata sa Golden Boy promotions para sa 11 laban subalit mula noon ay naging tatlo lamang ang laban nito.
Nagsampa rin ito ng $280 million lawsuit dahil umano sa pinipigilan siya ni Dela Hoya at DAZN na makabalik sa boxing ring at ipagpatuloy ang kaniyang boxing career.
Samantala lumutang naman na posibleng magbalik sa ring si Alvarez sa December 19 kontra sa unbeaten na kampeon na si Caleb Plant.