-- Advertisements --
Umani ng magkakahalong reaksyon ang naging pahayag ni Mexican legendary boxer Oscar Dela Hoya na ito ay muling sasabak sa boxing.
Marami sa mga boxing fans ang nagsabing nais lamang nitong magkaroong na maraming pera kaya nagdesisyon na lumaban muli.
Magugunitang inanunsiyo ng 48-anyos na si Dela Hoya na ito ay lalaban sa darating na Hulyo 3.
Hindi naman nito binanggit kung sino ang kaniyang makakaharap subalit nagkaroon ito ng interest na makaharap si retired US boxer Floyd Mayweather.
Nagdesisyon na sumabak muli ito sa boxing matapos ang pagbabalik sa boxing nina retired boxing champion Mike Tyson at Roy Jones.
Huling lumaban si Dela Hoya ng talunin siya ni Manny Pacquiao noong 2008.