-- Advertisements --

Napili bilang miyembro ng Internatoinal Olympic Committee ang Oscar winning award actress na si Michelle Yeoh.

Napili ang actress sa ginanap na botohan sa Mumbai.

Isa siya sa walong bagong miyembro na makakasama ng Olympic body.

Sinabi nito na noon pa man ay hindi niya pinangarap na maging artista dahil noon pa man ay plano nitong maging isang olympian.

Mula aniya noong pagkabata ay ilang sports ang kaniyang sinalihan gaya ng swimming, diving, atlethics at squash.

Ang dating Malaysian junior squash champion ay nagwagi si Yeoh sa Oscar bilang best actress dahil sa pelikulang “Everything Everywhere All at Once”.