-- Advertisements --

Pumanaw na ang Oscar-winning film director ng Czech na si Jiri Menzel sa edad 82.

Ayon sa asawa nitong si Olga, hindi na nito nakayanan ang dinaramdam na sakit.

Nakilala si Menzel ng magwagi ito sa Academy Award sa best foreign language sa pelikulang “Closely Watched Trains” isang World War II Drama noong 1967.

Isinilang noong Pebrero 23, 1938 at nag-aral ng film direction noong 1962.

Taong 2006 ng huling gumawa ito ng pelikulang “I Served the King of England” mula sa sikat na nobela ng Czech writer Bohumil Hrabal.