-- Advertisements --
Hindi maipapalabas sa unang pagkakataon sa Hong Kong ang The Oscars award.
Mula pa kasi noong 1969 ay ipinapalabas ang nasabing ceremony sa free-to-air TVB sa kanilang English language channel.
Ayon sa tagapagsalita ng TVB na isang commercial decision kaya napagpasyahan nilang hindi na ipalabas pa ang nasabing Oscars.
Ang nasabing desisyon din aniya ay matapos ang kautusan mula sa Communist Party ng China na huwag ng ipalabas ang nasabing ceremony.
Sinasabing isa ring dahilan ay ang pagkakanominate sa short documentary sa pro-democracy protest sa Hong Kong na “Do Not Spit” at ang apat na nominasyon na nakuha ni Chinese born US director Chloe Zhao para sa pelikulang “Nomadland”.