-- Advertisements --
Ipinagpaliban ang gaganaping Oscars award sa susunod na taon dahil pa rin sa epekto ng coronavirus pandemic.
Mula sa dating Pebrero 28 ay nagpasya ang organizers na gawin na lamang ito sa Abril 25.
Pinalawig din ng organizers ang deadline ng pagsumite ng mga kalahok mula Disyembre 31, 2020 hanggang Pebrero, 2021.
Isang dahilan ng pagpaliban ay maraming mga pelikula ang hindi natapos dahil sa pandemic.
Iaanunsiyo naman sa Marso 15, 2021 ang mga nominations.
Tatlong beses lamang sa kasaysaysan ng Oscars na ito ay iniurong ito ay noong 1938 dahil sa pagbaha sa Los Angeles, noong 1968 sa assassination ni Dr. Martin Luther King at ang attempted assassination ni US President Ronald Reagan noong 1981.