-- Advertisements --

Nagbago ng panuntunan ang Oscars award para ang mga pelikula na ipinalabas sa streaming o mga video on demand services ay makakasali sa ceremonies sa susunod na taon.

Dati kasi na pinapayagan ng Academy of Motion Pictures Arts and Sciences’ ang mga pelikula na makasama sa ceremony kapag naipalabas na ito sa mga sinehan sa Los Angeles sa loob ng isang linggo.

Dahil sa coronavirus pandemic ay tinanggal na ng organizers ang nabanggit na panuntunan.

Marami kasing mga pelikula ang nahuli ng ilabas habang ang iba ay dumidiretso na nilang ipinapalabas sa digital platform.

Ayon kay Academy president David Rubin at chief executive Dawn Hudson, naniniwala pa rin sila na kakaiba ang mararanasan kapag ang pelikula ay napanood sa loob ng sinehan.

Magiging temporaryo lamang ang nasabing panuntunan kapag bumalik na ang lahat sa normal.

Noong nakaraang taon kasi ay tinatanggap lamang ng Oscars ang mga pelikula na gawa ng Netflix at Amazon kapag mayroon na itong cinema release.