-- Advertisements --
Magkakaroon na ng host sa unang pagkakataon mula 2018 ang Academy Awards o Oscars Awards.
Bagamat maraming mga awards shows ang kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay wala pa ring nagbabago sa naunang plano na ito ay gagawin sa Marso 27 sa Los Angeles.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si ABC Entertainment President Craig Erwich kung sino ang napili nilang host.
Mula kasi noong 2019 hanggang 2021 ay ibinibigay na lamang ng mga celebrity presenters ang awards ng walang host.
Dahil dito ay bumaba ang tv ratings ng nasabing award giving body.