-- Advertisements --

Magiging limitado lamang sa mg nominado, presenters at mga bisita ang mga papayagang makadalo ng personal ng Oscars Ceremony.

Ayon sa organizer ng kilalang Academy award, na lahat ng mga dadalo ay sasailalim sa COVID-19 testing sa mismong gabi ng parangal ng Abril 25.

Gaganapin ang nasabing seremonya sa Union Station sa Downtown Los Angeles ang tradisyunal na bahay ng Oscars.

Ang mga nominees at kanilang mga bisita ay papayagang pumunta sa courtyard ng Union rail station habang ang palabas mismo ay gaganapin sa Dolby Theather na may layong 12.9 kilometers.

Magugunitang nanguna ang pelikulang “Mank” sa may pinakamaraming nominasyon sa bilang na 10 na sinundan ng “The Father” , “Judas and the Black Messiah”, “Minari”, “Nomadland”, “Promising Young Woman”, “Sound of Metal” at “The Trial of Chicago 7”.