-- Advertisements --
Plano ng organizers ng Oscars award na magsagawa ng ceremonies sa United Kingdom at Frances para sa mga international nominees na hindi makabiyahe sa Los Angeles.
Ayon sa organizers na mananatili pa rin sa main location sa downtown ‘Union Station’ sa Los Angeles na malapit sa Hollywood.
Sa nasabing plano na gagawing special hub ang British central hub habang isang satellite hub naman ang plano sa Paris.
Nauna ng pinuna ang nasabing organizers ng Academy Awards dahil hindi sila magpapatupad ng video calls sa mga hindi makakadalo sa nasabing ceremonies.
Magugunitang walo sa mga nominado sa actors category ay mga British kabilang na dito ang 83-anyos na si Anthony Hopkins para sa pelikulang “The Father”.