-- Advertisements --

Idinaan lamang ng American actress/singer na si Jada Pinkett Smith sa maiksing mensahe ang tila sagot nito sa kontrobersya sa 94th Academy o mas kilala bilang Oscar Awards.

Bahagi ng nasabing kontrobersya ang kanyang asawang aktor na si Will Smith kung saan sinugod at sinapak nito sa stage ang kapwa komedyante na si Chris Rock.

Hindi kasi nagustuhan ng “Wild Wild West” actor ang biro ni Rock na puwede raw pala gumanap si Jada sa pelikulang “G.I Jane” dahil ang bida ay kalbo rin.

Jada healing

Una nang nag-public apology ang Oscar Best Actor sa kanyang nagawa kasabay ng pag-amin na nasubok ang temper nito sa kanyang karakter sa “King Richard” kung saan “fierce defender” ng kanyang pamilya ang papel bilang Richard Williams.

Nabatid na dumadanas ng alopecia o hair loss si Jada kaya piniling magpakalbo na lamang simula noong nakaraang taon.

Sa panig naman ng nasapak na si Rock, inihayag umano ng Los Angeles Police Department na tumanggi na itong idemanda si Smith.

Ang pamunuan naman ng Academy ay kinondena rin mismo ang nangyari.