-- Advertisements --
image 147

Handang tumulong ang Office of the Solicitor General (OSG) sa anumang posibleng imbestigasyon sakaling determinado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng mga kaso laban sa mga banyagang iligal na nakakakuha ng pasaporte ng Pilipinas.

Ayon kay SolGen Menardo Guevarra, hindi malaking isyu noon ang mga banyagang iligal na nakakakuha ng pasaporte ng PH subalit lumalala na ito sa paglipas ng panahon.

Inamin naman ni Guevarra na kapag isang sindikato ang nasa likod ng iligal na operasyon, dapat na aniyang bumuo ang pamahalaan ng isang inter-agency task force para ganap na matugunan ang naturang problema.

Dapat aniya na binubuo ito hindi lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) kundi maging ng ibang mga local enforcement agencies kabilang ang OSG.

Nakahanda rin aniya ang OSG bilang counsel ng estado na pangunahan ang paghahain ng kaukulang mga kaso laban sa mga banyagang iligal na nagki-claim na sila ay Pilipino base sa nakuhang PH passport.

Subalit sinabi ng SolGen na nakadepende sa DFA ang pagsasagawa ng kaukulang imbestigasyon.

Matatandaan na una ng hiniling ng mga Senador ang tulong ng intelligence agencies ng pamahalaan sa pagtugis sa mga nasa likod ng fraudulent issuance ng PH passport at iba pang government-issued documents sa mga Chinese nationals at iba pang mga banyaga.