Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na ibasura ang petisyon ni Pastor Apollo Quiboloy laban sa inisyung arrest order ng Senado dahil sa kawalan ng merito.
Ikinatwiran din ng OSG na ganap na mali ang paggiit ni Quiboloy ng kaniyang karapatan sa konstitusyon laban sa self-incrimination. Anuman aniyang impormasyong nakalap sa Senate inquiry ay gagamitin lamang para sa legislative purposes at hindi magreresulta sa pagpapahayag ng guilt o pagkakasala ng petitioner.
Sinabi din ng OSG na tumanggi ang petitioner na dumalo sa mga pagdinig ng Senado at isa din aniyang pugante ang petitioner na hindi kumikilala sa mga awtoridad ng lehislatura at hudikatura.
Kung maaalala, nahaharap ang Pastor sa mga kasong sexual at child abuse at kasong qualified human trafficking kung saan kapwa inisyuhan ng korte ng QC at Pasig si Quiboloy ng arrest warrants.
Nananatili din ang pabuyang P10 million para sa sinuman na makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Pastor Quiboloy.