BAGUIO CITY – Ipinag-utos ng Supreme Court (SC) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang pagsumite sa mga reports at dokumento hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Kasabay ito ng isinasagawang summer session ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay SC spokesman Atty. Brian Hosaka, nagbigay ng tagubilin ang Kataas-taasang Hukuman sa OSG na magsumite ng report tungkol sa pagkasawi ng mahigit 3,800 katao sa kampanya laban sa iligal na droga.
Idinagdag ni Hosaka na ipinag-utos din ng SC ang pagpapalabas ng OSG ng mga kopya ng mga reports sa mga petitioners sa Amparo cases na iprinisinta ng CenterLaw and Free Legal Assistance Group (FLAG).
Una nang pinalagan ng OSG ang pagsang-ayon ng SC sa hiling ng mga petitioners na pagpapalabas sa report ng pulisya hinggil sa war on drugs.