-- Advertisements --

Naghain ng petisyon ang sa Korte Suprema ang Office of the Solicitor General (OSG) upang pilitin ang Commission on Elections (Comelec) na tapat na ipatupad ang mga batas, tuntunin. at regulasyon sa halalan.

Ito ay sa gitna nang mga pambabatikos na natatanggap ng komisyon dahil sa umano’y kakulangan nito ng transparency.

Sa isang statement ay sinabing OSG na naghain ito ng petisyon sa korte para sa certiorari, prohibition, at mandamus laban sa Comelec dahil sa umano’y naging mga paglabag nito sa ilang probisyon ng Omnibus Election Code.

Ito ay matapos na pagbawalan ng Comelec ang mga observers na saksihan ang pag-imprenta ng mga official ballots, nang isinagawa ang configuration at preparation ng SD cards sans accredired observers, at nang tumanggi ito sa open access ng source code para sa tamang pagsusuri.

Nakasaad din anila sa petisyong kanilang inihain ay ang kanilang kahilingan na pakinggan ang panawagan ng mga tao na pagtibayin pa ang countervailing measures na kanilang iminungkahi upang higit pang pangalagaan ang integridad ng darating na halalan.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na naghain ng petisyon ang OSG sa SC laban sa Comelec nang hilingin nito sa korte na ipawalang bisa ang memorandum of agreement sa pagitan ng Comelec at Rappler.