Naghain na ng petisyon si Solicitor General Menardo Guevarra para ipakansela ang birth certificate ni Bamban, Tarlac suspended Mayor Alice Guo.
Ang naturang petisyon ay inihain sa Tarlac City regional trial court (RTC).
Batay sa impormasyong ibinahagi ni SolGen Guevarra, ang petisyon ay nakabatay sa kabiguan ni Gou na makapag-comply sa legal requirements para sa late registration.
Hindi rin aniya nakapag-sumite ang suspendidong alkalde ng mga supporting documents para sa late registration.
Dagdag pa ni Guevarra, ang tatay ni Guo ang siya pang nagrehistro sa kanyang birth certificate gayong siya ay 19 anyos na noong siya ay mairehistro.
Tinukoy din ng SolGen ang aniya’y maraming magkakaiba-iba sa mga impormasyong nilalaman ng birth certifictae ng alkalde at ang mga impormasyong nakalagay sa iba pang kanyang mga public records.
Ayon kay Guevarra, kung makakansela ang kanyang birth certificate ay mawawalan na siya ng pinakamahalagang ebidensya para sa kanyang sariling pagkakakilanlan o identity.
Nilinaw naman ng SolGen na ang qou warranto petition na planong ihain din ng OSG laban sa suspendidong alkalde ay hindi magdedepende sa anumang magiging kinalabasan ng inihain na petisyon.