Nagbabalak ihain ng Office of the Solicitor General bago ang Oktubre 11, ang Commission on Elections’ motion for partial reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema sa batas na ipinagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Idineklara ng SC na labag sa konstitusyon ang batas na ipinagpaliban ang BSKE mula sa unang schedule ng Disyembre 5, 2022, hanggang sa huling Lunes ng Oktubre 2023.
Ipinasiya din nito na ang susunod na BSKE ay gaganapin sa unang Lunes ng Disyembre 2025 at bawat tatlong taon.
Sinabi ng Comelec na plano nitong iapela ang bahaging ito ng desisyon ng SC.
Ayon kay SolGen Menardo Guevarra, natanggap nito ang sulat ng Comelec na humihiling na maghain ng mosyon para sa partial reconsideration ng desisyon ng SC sa kaso ng BSKE.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na iaapela ng poll body ang partikular na probisyon dahil naniniwala itong dapat igalang ang tatlong taong panunungkulan para sa mga opisyal ng barangay at SK.
Sinabi rin ni Garcia na magiging mahirap na isagawa ang parehong midterm polls at ang BSKE sa 2025.