CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Kaya minungkahi ng MIATF at LGU na muling ipatupad ang No Movement Sunday.
May ilang barangay na ang isinailalim sa granular lockdown dulot ng pagsipa ng mga nahawaan ng Covid-19.
Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga Midsayapenyos na ugaliing sumunod sa minimum health protocols laban sa nakakamatay na sakit.
Unang sinabi ni Emergency Operations Center Incident commander municipal councilor Dr. Vivencio Deomampo Jr. na punuan na sa ngayon ang mga isolation facility at mga pagamutan sa bayan ng Midsayap dahil sa tumataas na bilang ng mga tinamaan ng virus
Marami sa mga pasyente ay naka-home quarantine na lamang dahil punuan na ang mga isolation facility.
Gayunpaman, siniguro ni Deomampo na namomonitor pa din ito ng mga kawani ng Barangay Health Emergency and Response Team at dumaan sa tamang proseso at inspeksyon ng health authorities ang lugar kung saan ito mamamalagi.
Matatandaan na kinomperma ng IPHO-Cotabato na may local transmission na ng Covid 19 sa probinsya at anim na rin ang nagpositibo sa Delta Variant.