-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isinailalim na umano sa lockdown ang ospital sa Dammam, Saudi Arabia kung saan naka-confine ang mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa nasabing bansa.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Lia Grey na head nurse ng Royal Medical Complex sa Dammam, Saudi Arabia.

Ayon kay Grey, sa kabuuan ay anim na umano ang positive cases ng COVID sa Saudi Arabia ngunit lima lamang ang ipinapalabas ng Saudi government sa media.

Dahil dito, hindi na umano mapigilan ng ilang Overseas Filipino Workers sa Saudi ang magpanic lalo pa’t limitado ang mga impormasyong ipinapalabas ng Saudi government sa publiko sa pamamagitan ng media.

Nauna rito ay nagsagawa na umano ng contact tracing ang mga kinauukulan sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang naunang nagpositibo sa COVID sa nasabing bansa kung saan mula sa higit na 70 ay 50 rito ang cleared sa nasabing sakit at higit na 20 ang nananatiling naka-quarantine.