umabot na sa full capacity ang pasilidad ng ospital sa nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng mga covid19 patient.
Ayon kay Dr. Melbril Alonte, medical director ng ospital ng Binan, pagod na pagod na aniya ang mga doktor at nurses sa nasabing pagamutan kayat magdaragdag aniya kung kinakailangan para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.
Mayroon lamang 50 total bed capacity para sa mga COVID-19 patients ang ospital ng Binan na isang level 1 medical facility kung saan ang ibang pasyente aniya ay nasa parking lot na lamang ng kanilang ospital dahil punuan na sa loob ng ospital.
Sa kabilA nito, patuloy silang tumatanggap ng COVID at non-Cin patients at nananawagan sa publiko na sumunod sa minimum health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.