-- Advertisements --
Handa ang ospital ng Maynila na magbigay ng kaukulang pag-aalaga sa mga pasyente ng COVID-19 sa kabila ng pagkapuno nito.
Ngunit, nilinaw ni Dr. Aileen Lacsamaña na hindi na sila makatatanggap pa ng karagdagang virus patients lalo pa’t umakyat na sa 41 ang COVID-19 cases admitted.
Aniya, napapagod at nangangamba na rin ang mga hanay ng doktor at nurses kung kakayanin pa nila ang patuloy na pagtaas ng mga kaso.
Dagdag pa nito na mas mainam kung tumawag muna ang mga nakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Kung mild symptoms lang, maaari nilang i-advise na pumunta deritso sa quarantine facility o makipag-coordinate sa Manila Health Department saka sila susunduin at dadalhin sa quarantine facility.