-- Advertisements --

Isasarado ng ilang araw ang Ospital ng Tondo sa Maynila matapos na ang ilang doktor at nurses ang nagkasakit.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, mula ngayong Mayo 12 hanggang Mayo 24 ang pagsasara ng nasabing pagamutan.

Sila kasi aniya ang mga nangangalaga sa mga nagpositibo sa coronavirus sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde na ang mga ibang health workers naman na walang sakit ay itatalaga naman sa iba’t-ibang pagamutan sa lungsod.