BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaalaman kung ligtas pabang gamitin ang ilang pasilidad sa V.G. Plaza Memorial Hospital sa Bunawan, Agusan Del Sur matapos natamaan sa landslide.
Napag-alamang na-landslide ang likurang bahagi ng nasabing ospital dahil sa ilang araw nang pagbuhos ng ulan na hatid sa Shearline.
Napinsala ang pasilidad na nagsisilbing kwarter sa mga doktor, at ang klinika sa tuberculosis at HIV habang maraming mga sasakyan at anim na single motor naman ang nalibing sa putik.
Napinsala rin ang daan patungo sa nasabing ospital ngunit wala namang naitalang casualties sa pangyayari.
Ayon sa opisyal ng district hospital na ang pasilidad kungsaan na-admit ang mga pasyente at ang major facilities sa hospital ay hindi apektado.
Ayon kay Alexis Cabardo, tagapagsalit sa provincial government ng Agusan Del Sur na hindi muna gignamit ang na-apektuhang pasilidad habang ginawa sa team galing sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang imbestigasyon upang matumbok ang kabuoang danyos sa nasabing ospital.