-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Sanggguniang Panlungsod Member RJ Fariñas na pansamantalang pinasara ang Department of Medicine ng Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital (GRASMH).

Ito ay matapos may limang pasyenteng namatay na nakasama umano sa kwarto ang isang suspected COVID-19 patient na residente rin dito sa lungsod ng Laoag.

Subalit wala pang kumpirmasyon kung may kinalaman sa COVID-19 ang ikinamatay ng limang pasyente ng nasabing ospital.

Nailipat na rin ang sinasabing suspected COVID-19 patient sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac.

Samantala, agad pinulong ni Dr. Roger Braceros, ang chief hospital ng GRASMH, ang lahat ng mga doktor sa nasabing hospital para talakayin ang nasabing pangyayari.

Una nang naiulat na posibleng sumailalim sa mandatory quarantine ang 58 empleyado ng nasabing hospital.