-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagdulot ng pagkalito sa mga nakaclose contact ng isang Board Member sa Guimaras matapos naglabas ng maling resulta ng RT-PCR Test ang isang ospital sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Board Member Cyril Beltran, sinabi nito na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang nakakatandang kapatid na dahilan ng kanyang pagsailalim sa swab test kasama ang kanyang pamilya.

Una siyang sinabihan ng hindi niya pinangalanang ‘source’ na nagpositibo siya sa COVID-19 at maging ang kanyang dalawang anak at kasambahay.

Ngunit laking gulat nito ng matanggap ang opisyal na resulta ng Laboratory Test na negatibo siya sa virus.

Tumanggi naman ang ospiyal na pangalanan ang ospital kasabay ng paglilinaw na hindi na siya magsasampa ng anumang reklamo.