-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ni-lockdown ang Rep. Pedro G. Trono Memorial Hospital sa bayan ng Guimbal, Iloilo matapos nagpositibo sa COVID-19 sang 15 mga medical staff.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Cynthia Cabangal Ng, pinuno ng Hospital Management Office, sinabi nito na sa 15 nagpositibo, 13 ang mga nurses, isa ang nursing aid at isa ang institutional worker.
Ayon kay Ng, posible magtagal pa hanggang sa Enero 3, 2021 ang lockdown sa nasabing ospital ngunit ito ay pag-uusapan pa.
Nanawagan naman ang doktor sa ibang mga ospital na tanggapin muna ang kanilang mga pasyente.
Sa ngayon, nagsasagawa na ang local government unit ng contact tracing.