-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang isang ostrich farm sa Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan.

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Ramon Dio, isang negosyante at may-ari ng farm na inabisuhan siya na kumuha muna ng kaukulang permit bago ipagpatuloy ang operasyon.

Nasa 23 ostrich ang kasalukuyang inaalagaan sa farm, subalit hindi pa kabilang dito ang mga sisiw.

Naging viral sa facebook ang farm bagay na naging instant atraksyon ito sa Aklan.

Ayon pa sa negosyante na walang sinisingil na entrance fee, ngunit nagbebenta siya ng feeds para sa mga gustong maranasan ang magpakain ng ostrich.

Maliban sa mga ostrich, makikita rin sa farm ang iba pang hayop kagaya ng civet cat, ilang uri ng parrot, bear cat, iguana, mga isda, peacock, buwaya, phyton, tiger cub at iba pa.

Hangad rin ng may ari na magkaroon ng ostrich riding sa mga susunod na araw.