-- Advertisements --

Itinalaga bilang bagong undersecretary ng Department of Transportation si Office of Transportation Cooperatives (OTC) chairperson Jesus Ferdinand “Andy” Ortega.

Ayon sa DOTr na magsisilbi si Ortega bilang undersecretary ng Road Infrastructure.

Noong Pebrero 2023 ay itinalaga si Ortega sa OTC.

Siya ang namuno sa mga panghihikayat sa mga jeepney operators na pumasok sa cooperatives para sa isinusulong ng gobyerno ng PUV modernization program.