-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki makaraang mambuhos ito ng muriatic acid sa isang lalaki ng basain ito kasabay ng pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival sa lungsod ng San Juan.

Viral nga online ang ginagawang pambabasa ng mga residente sa mga motorista na inosenteng dumadaan sa lugar .

Sa isang pahayag, sinabi ni San Juan City Chief of Police, PCol. Francis Reglos, ang suspek ay dumaan sa lugar kung saan nagaganap ang basaan festival ng bigla na lamang siyang binuhusan ng tubig.

Napikon umano ang lalaki at bilang ganti ay binuhusan nito ng muriatic acid ang nambuhos sa kanyang indibidwal.

Kaagad namang dinala ang biktima sa pagamutan ng mabuhusan ito sa may bahagi ng mata.

Ang biktima ay nagreklamo ng Physical Injury sa naturang suspek.

Nagkasundo naman ang dalawa matapos ang paghaharap ng mga ito kaya iniurong na ang kaso laban sa suspek.