-- Advertisements --
ILOILO CITY- Nagpapatuloy ngayon ang paghuhukay ng mga rescue workers sa mainit na abo at debris upang mahanap ang mga survivors sa pagsabog ng bulkang Semeru sa East Java, Indonesia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Jerson Labadia, kinumpirma ni Indonesia National Board for Disaster Management Head of Data and Information Head Abdul Muhari, na pumalo na sa 22 ang death toll.
Wala naman anyang Pinoy na napasama sa casualties.
Umaabot naman sa 2,000 katao ang lumikas sa 19 mga makeshift centers.
Samantala, umaabot naman anya sa 3,000 kabahayan at 38 mga paaralan ang nasira ng debris ayon sa Command Post for Emergency Response ng Mount Semeru.