-- Advertisements --

Nakakumpiska ang mga otoridad sa Australia ng aabot sa 2.3 milyong tonelada ng cocaine.

Nakuha nila ang nasabing mga iligal na droga mula sa nasirang bangka sa karagatan ng Queensland.

Dahil dito ay inaresto ang 11 katao at dalawang menor de edad kasama narin ang crew at ilang katao na nakatakdang pagbibigyan ng droga.

Tinatayang aabot sa $490 milyon ang katumbas na halaga ng mga nakumpiskang droga.

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking droga na nakumpiska sa kasaysayan ng Australia.

Ayon naman sa Australian Federal Police (AFP) na isa sa mga naaresto ay bise-presidente ng Comanchero outlaw motorcycle club sa Brisbane chapter.

Ang nasabing bikers gangs ay notorsyos sa Australia na nagpapalaganap ng karahasan na may kaugnayan sa iligal na droga.

Bahagi ng nasabing operasyon laban sa Comanchero gang na tinawag ng mga otoridad bilang Operation Tyrrendor na nagsimula pa noong nakaraang buwan.