Otoridad sa Kentucky, tinuturing na lamang na himala kung may mga survivors pa mula sa nag-collapse na building kasunod ng pananalasa ng buhawi
Maituturing na lamang na himala ni Kentucky Governor Andy Beshear kung may ma-i-rescue pa mula sa Mayfield Consumer Products candle factory na sinalanta ng serye ng malakas na buhawi.
Ayon sa gobernador, mahigit isang araw na mula nang mangyari ang kalamidad ngunit, 40 out of 110 workers pa lang ang nailigtas matapos na nag-collapse ang isang building.
Sa ngayon, nadaganan ng mga bakal at sasakyan ang bubong ng nasabing factory at pahirapan ang paghahanap sa mga posibleng natabunan ng debris.
Samantala, ayon kay Bombo International Correspondent Sonia Short direkta sa Mississippi, USA, buo ang tiwala ng gobyerno ng Amerika sa rescue at sa clearing operations.
Sa kabila nito, ikinababahala naman ang problema sa komunikasyon at maging ang sasakyan ng otoridad ay nasira rin.
Mahigit 60,000 naman na Kentuckians ang nawalan ng suplay ng kuryente sa pananalasa ng buhawi.