-- Advertisements --

Zamboanga City – Tulong – tulong ngayon ang mga otoridad sa paglikas sa mga residente ng Barangay San Jose Gusu sa panguguna ni Zamboanga City Office Director Pcol. Joseph Thomas Martir matapos lumubog sa tubig baha ang iilang mga kabahayan. Habang nakamando naman ang ilang otoridad sa trapiko matapos tumumba ang iilang mga puno dala ng malakas na ulan at hangin.

Agaran naman nilinis ng mga otoridad ang mga water lily na nakabara sa San Jose Gusu Bridge na nagresulta sa pagtaas ng tubig baha sa nasabing Barangay.

Pinagunahan naman ng Marine Batallion Landing Team ang pagevacuate ng mahigit walong pu’t dalawang (82) indibidwal na apektado ng baha partikular sa na sa Barangay Sangali. Ang mga nasabing evacuess ay pansamantalang nanatili sa Barangay Hall ng Sangali.

Samantala nakataas na ngayong sa Orange Rainfall Warning ang Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Basilan at Sulu na posibleng na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.