-- Advertisements --

Gagawin muling 24/7 ang operasyon ng Transportation Security Operations Center sa kasagsagan ng paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa at Araw ng mga Santo.

Ayon kay OTS Administrator Crizaldo Nieves, tutulong ang operations center nito sa mga pasahero na magsisipagdagsaan sa mga airport, lalo na sa Ninoy Aquino International Airport, ang pangunahing gateway ng bansa.

Magsasagawa rin ito ng incident monitoring sa paliparan kung saan magiging regular at realtime ang paghahatid ng incident report.

Ayon pa kay Nieves, magdedeploy din ito ng mga security auditor sa mga paliparan.

Ito ay upang tiyakin na may maayos at gumaganang security measure na ipinapatupad at masigurong tumutugon ang mga ito sa national and international standards.

Titiyakin din aniya ng OTS ang tuloy-tuloy na maintenance ng mga security screening equipment para maiwasan ang mga breakdown sa kasagsagan ng operasyon.