-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong listahan ang Office of Transportation Security (OTS) sa mga kagamitan na puwedeng dalhin ng mga pasahero sa loob ng eroplano.

Ang nasabing listahan ay base na rin sa guidelines na sumasang-ayon sa international standards ng International Civil Aviation Organization.

Ilan sa mg dito ay ang pagdadala sa loob ng eroplano ng billiard sticks, baseball bat, dumb bells, baton na dapat ay ilagay sa checked-in baggage habang ang mga basto o walking stick ay maaaring gamitin basta ito ay para sa mga may edad o may kapansanan.

Hinikayat ni OTS Administrator Arturo M. Evangelista ang mga pasahero na iwasan ng magdala ng mga pinagbabawal na kagamitan para hindi na sila maabala pa.